Tuesday, June 05, 2007
tiny tragedy
Posted at 12:48 am by xhybrid |





Paalam blog. Paalam.

(@_@)


Ako si Gyll.
Isang Junior sa UP Manila.
Public Health ang course ko pero hindi ko alam kung bakit.
Mahina akong magmemorize. Ayoko ng strawberry.
Gusto ko ang kulay orange.
Simpleng taong lang ako, simpleng matigas ang mukha.
Hindi naman kagalingan. Hindi naman kabaitan

Naglalayas...




Kasabay ng pageenrol, kasabay ng paguuniporme,
kasabay ng pagkabura ng hard disk ko,
Kasabay ng pagiging residente ng Pedro Gil...


Third yr na ko,
xettt... ang tanda ko na. hmm.


Mamimis ko ang WiFi sa may DB at LT.
Mamimis ko ang Nutrilicious at Milo.
Mamimis ko ang 3rd floor, ang Roof deck, ang Oble.
Mamimis ko ang pabalikbalik ng CAS.



Babay. ^^

xhybrid is not here anymore.


***
Mula sa isang armchair sa UP Manila:
Wala siguro tayong matatawag na taong manhid
kung lahat tayo ay may kakayahang aminin ang nararamdaman natin.




Monday, June 04, 2007
social casualty rebound
Posted at 11:49 pm by xhybrid |

Akala ko magiging okay sakin ang 2007. Seryoso. Siguro kasi masyado kong pinawala yung sarili ko na swerte ako sa #7. Nakakatawa. At bukod dun, marami sana akong gustong gawin na plinano kong gawin ngayong taon. Pero dahil sa simula pa lang ng taon, panget na, medyo nadismaya ako, at tuluytuloy na nadismaya. Naasar. Nainis. Nagalit. Nagbago.

Sabi nga, nakisabay kasi ako. Sa pagpalpak, sa pagkadismaya, at lahatlahat na. Sa totoo lang, masyadong kabaligtaran nga yung nagiging resulta ngayon ng taon ko. Mula sa pagkawala ng kabagobagong celpon, pagkawala ng wallet, sa pagkabura ng mga dibuho ko, mga artikulo, at kung anuano pa, sa pagkawala ng ipod, pagkawala ng isang celpon, pagkabura ng harddisk. Hueh.

Oo, mga simpleng bagay lang yan, pero ang pagkabura ng memorya ng laptop ko, hindi ata para sakin. Isipin mo na lang ang isang tao, na sinasabihan mo ng lahat, ng pinagbubuhusan mo ng pansin, ng pinaglalaanan mo ng oras, na kausap mo kapag yung taong pede mong kausap eh tulog na, eh isang araw nagkaamnesia.

At sa pagkawala ng mga gamit ko, na feeling ko sobrang nagmumuka akong tanga dahil alam ko naman kung paano sila nawawala, pero sa hindi mo alam na rason, kelangan mong itago sa utak mo kung sino yun, at kelangan mong magpasensya at maging kalmante dahil ayaw mo ng gulo pa kahit minsan, masakit na rin na ginaganun ka, nagbago yung tingin ko sa mga tao. Naiiyak nga ako minsan eh kasi pakiramdam ko ginagawa akong bobo. At dahil tinago mo yung galit mo, naipon sila sa utak mo, at ngayong ok na ang lahat, natanggap mo ng wala na yung mga gamit na yun, parang ang hirap pa rin tuloy magpatawad. Kasi nagtiwala ako, at minsan lang yun.

Siguro, dahil sa mga naunang nangyari, sa skul, sa unit, sa chem room, sa bahay, kaya nawala yung magandang plano sa isip ko. Pinakaayoko siyempre yung naspospoil ba yung plano mo, lalo na kung planadongplanado. Kaya ayun, dahil sa mga simpleng bagay, nagbago nga ako. Naging mainitin ang ulo, nanagot, hindi na ganoon kapasensya, hindi na pala kwento at palasalita. Tamad makipagusap. Tamad magparamdam. Tamad magreply. Tamad sumama. Alam ko naman yun lahat eh. Nakisabay nga kasi ako. Yun yun eh.

At ang mga pagbabagong yan dahil sa mga simpleng bagay, ang nagdulot pa ng mas malalaking pagbabago. Yung mga bigtime ba. Halimbawa, yung muntik ng sabit sa ChemLec. Para sakin bigtime yun dahil kung ibinagsak ko yun, di ba big time? Hehe. yung pagkonti ng taong kinakausap sa school, para sakin big time yun dahil big deal sa 'kin ang pagsasalita.  ^^ yung pagkawala ng isang taong ilang taon mo na ring kilala, at literal yung pagkawala ha. Masyadong literal.

Minsan nga bigkasin ko lang yung 'ma-lung-kot a-ko', maiiyak na ako. Hehe. Literal, lalo na pagmadaling araw. At malulungkot nga ako ng todotodo. Para kasing ang dami ko ng sabit, ang dami ng maling nangyayari na hindi ko naman ginugusto at hindi nagugustuhan. Bakit ba binubugbog ako ng college -- kasi nagpapabugbog pala ako. Hmm.

Hindi ko nga alam kung bakit ako nagkwekwento ngayon. Siguro, eto na ang huling entry ko dito. Kaya hahabaan ko para maraming tamaring magbasa. Hmm.

Half-year na ng 2007, ganto pa rin ako. Wala man lang akong pinagbago. I mean, simula nung panget na pagbabago. Pero hindi ko rin alam kung bakit hindi ko na rin magawang ngumiti pag nakikita ko sila, o maging makulit o makwento at once. Siguro, napagod na ako.

Sa totoo lang, itong college, proud na proud nga ako nung andito ako eh kasama sila nung simula, i mean, pagkatapos kong magloner mode. Malaking parte sila ng hindi ko pagshishift. Katangahan nga 'yun eh. Siguro nadala ako ng pagkakaroon ng tropa na gaya nila, na hindi mo mainitindihan kasi minsan parang andyan pag andyan na literal, pero pag wala, hindi mo rin naman maramdaman. Pero kahit ganon, pinili ko pa ring manatili dito kahit gustunggusto kong magshift noon. Kahit nga ngayon, kaya nga ngayon na parang hindi nanaman kami kasing ayos ng dati, parang natanga nanaman ako. Kasi akala ko magiging ok pa rin ang lahat hanggang ngayon. Pero mali nga ako uli. At ang engot ko.

Pero hindi naman ako nagsisisi, yun nga lang nakakalungkot. Minsan parang gusto kong bumalik sa dati. Yung hindi mainitin ang ulo, hindi nega magisip, yung may mahabang pasensya. Yung before magJanuary. Pero wala eh, ayaw ng gumana ng powers ko.

Pero alam mo nitong summer, ok naman ako. Masaya naman ako. Parang ang layalaya mo. Parang walang nagpapainit ng ulo mo. Walang rason pa para maasar ka o magalit. Ok ako. Kasama yung panget na utol ko. ^^ Magdota maghapon magdamag. Magdownload ng torrents. Manood ng DVDs. Magdota uli. Kumain ng kwekkwek, ng squid, siomai, ng fried bituka sa Pedro Gil. Masaya na ko 'don. Kahit wala masyadong starbucks. Hmm.

Bukas, mageenrol na ako. Junior na ko. Pak ang tanda ko na. Maguuniform. Makikita naman sila. Ewan ko. Gusto kong bumalik sa maayos uli kaming lahat pero parang imposible na. Siguro, depende. Depende sa kung anung meron bukas at sa mga susunud pang araw. Kung hindi man, basta, gusto kong maging Ok sa lahat. Ayokong magkaroon ng kwarto sa isip ko para sa masasamang bagay habang nagPhyphysio, naghihistology, at nagmimicrobio. Excited na ako sa BioChem, kahit hindi ko siya gusto.

Sabi ng kantang pinapakinggan ko ngayon, Nalulungkot, nayayamot, nagmumukmok. Hindi ko pa ata kayang pang labanan ang damdamin ko. (Rebound - Silent Sanctuary) HAHAHA. Pero basta, bahala na. Hindi pala ibabalik ng lahat sa dati. Basta, wala na lang ganun. Erase. Erase. Erase. Hindi ko gustong maayos ang lahat dahil may balak akong maging good friend again kuno sa lahat. Ayoko na lang rin siguro ng panggulo sa utak.

Hindi naman talaga sila ganoon kalaking parte ng kung anuman. Pero siyempre dahil arawaraw ko silang makikita, arawaraw kong nakakasama, natural at litera na magiging malaki silang parte. Wala sila sa isip ko. Hindi ko sila naiisip.

Wahay. 2007 akala ko bati tayo. Kahit hindi tayo bati, babatiin pa rin kita. Hindi ka man nagsimula ng maganda, tatapusin kita ng maganda. Hehe.


Sa taong literal na wala na, paalam na rin.


Ito na ang huling entry ko dito. Kung may bagong blog, hindi ko pa alam kung makakagawa ako. Kasama kay hard disk ang templates ko. Haha. Kung meron man, eto ang magiging xa: Talusira - isang tagalog na idiom.

Nakalimutan ko, tumatakbo nga pala ang oras. Nagpapalingalinga pa ako sa kung anuano. Istop na. Awat na. Sawa na kong magbago ng magbago dahil sa mga tao at para sa mga tao. Pagod na kong magpaapekto. Ayokong napagiiwanan.

Ang oras ang isa sa mga bagay na napakasarap sayangin, pero akala ko lang 'yon.

Bahala na si Batman. Lipad Gyll. Lipad! ^^


In early 2007,
I was hurt, I was changed
I was disenchanted,
I felt pain and the strangest feelings...


***
Stop living who you were.
Start living who you are.




Thursday, May 31, 2007
on self-denials
Posted at 01:06 am by xhybrid |

Nanlambot ako ng marealize ko na June na pala bukas. Nakakayamot. Hindi ako nayayamot dahil wala na akong unlimited na internet at required na akong matulog ng maagaaga. Nayayamot ako na kelangan ko ng magsuot ng putingputing uniporme, etc. Mula 8 hanggang 5 daw ng hapon ang pasok namin. Siguro ang dumi ko na bago ako makauwi ng bahay.

Malapit na uling magpasukan. Pero siyempre iba 'tong pasukan na 'to. May majors na kami, nasa Pedro Gil na palagi, at nakauniform nga. Medyo kabado nga ako eh. Parang one way lang kasi yung daan papuntang Lara Hall - ang college ng public health. Parang entrance lang yung pinto. Makakaexit ka lang after two years. Parang nakakatakot pumasok kasi parang pagnahakbang mo na yung paa mo, hindi mo na uli mahihila kung sakaling, sakaling, sakaling bigla mong maisip na magbackout.

Pagnasuot ko na ang uniporme ko parang humakbang na rin ako sa Lara Hall at pumayag sa dalawang taong pagkakagupo doon. May parte sa sarili ko na ayaw magpakulong don. Siguro dahil may parte pa rin sa isip ko na nangangarap magshift. Kahit napakaimposible na.

Pagnaiisip ko lahatlahat tungkol sa PH, nayayamot ako na isipin kung ano bang pinagkaabalahan ko nitong summer, at sa nagdaang ilang sems, at hindi ko man lang nabigyan ng oras mag-ayos ng papel para lumipat ng course. Kung bakit ba hindi ko inasikaso, eh nasakin naman lahat ng oras, kung gusto ko lang talaga.

Sa totoo lang, pag may pasok hindi ko naman naiisip magshift. Siguro, kasi masaya naman ako dito. Pero kapag magpapasukan, parati kong naiisip, lalong lalo na ngayon. Habang lumalapit na ang pasukan, lalo kong naiisip na hindi talaga ako pangPH, at hindi na rin ako makakaalis dito.


________
Hindi ako masyado nakikipagusap nanaman sa mga tao. Hindi ako nagsasama sa mga lakaran. Akala nila busy lang ako. Akala nila tinatamad lang akong magsalita. Akala nila may topak lang ako.



Meron nga.




Monday, May 28, 2007
material comfort
Posted at 02:13 am by xhybrid |

You're just a sad song with nothing to say
About a life long wait for a hospital stay
And if you think that I'm wrong,
This never meant nothing to ya
-Disenchanted. My Chemical Romance


Nalulungkot ako sa untiunting pagbagal ng laptop ko. Balang araw, bigla na lang siyang magsysystem error, o kaya mag auautomatic shutdown. Hindi na ako palagay sa kanya. Parang baka sa susunod na pindot ko ng keyboard biglang mangyari na ang kinakatakot ko at tuluyan na siyang magpaalam sakin.

Naputol ang cord ng laptop ko. Hindi pa talaga siya putol pero tuluyan ko na siyang pinutol. Tinuklap ang mga halos 1cm na cover, at pinagbuhulbuhol ang mga wire. Pagkatapos ay binalot ko siya ng sandamukal na electric tape.

Ang battery ng laptop ko ay 1 hour lang ang tinatagal. Minsan 2 hours pero magtititigan lang kayo pagganun. Pagginalaw mo ng konti yung mouse mga 45 minutes na lang. Pagnakinig ka ng music, aabot naman siya ng 30 minutes. Pagnaglaro ka ng DOTA, baka hindi pa nakakadating yung creeps mo sa tower, nagshutdown na si laptop.

Pero, napansin ko kahapon ang pagging unlock ng battery ko. Kahit nakalock na siya sabi ng red dot mark, makukuha mo pa rin ang battery kahit nakalock daw siya. Noong tinitigan ko ang keyboard ko, medyo nakaangat na ang escape bar. Noong sinubukan kong itaas pa, natataas na ang 1/3 ng keyborad ko.

Medyo may kadumihan na rin ang laptop ko, bukod sa mga gasgas na hindi ko maitago. Sa bagay hindi pa siya kailanman nadapuan ng basahan simula noong binili siya. 'Yon ay nung 3rd yr HS pa ako at proud na proud ako sa laptop ko na pwedeng magkasya sa bag ko ng hindi ako nabibigatan. Pwede mong itakbotakbo sa field na parang libro lang ang hawak mo. At ihagishagis bago matulog na parang bola.

Ang laptop ko ang naging dahilan para mabuo ang research ko nung HS-isang pipitsuging flash program na kung ipapaulit mo sakin ngayon ay hindi ko na magagawa. Ito rin ang naging daan para makagawa kami noon ng dyaryo sa school namin. Ang bitbit ko sa printing house at kasama sa pagdedefend ng research ko. At marami pang bubot na graphic design kuno ko. At ang ilang ekek, at toottoot na bigla ng lang nabura kamakailan lamang dahil sa virus ng mga Microsoft Docs.

Limang taon na ang laptop ko. Hindi ko alam kung ilang taon pa ang itatagal niya sa mga kamay kong masyadong pabaya. Hahaha. Wala lang. At any moment, iiwan niya na rin ako. huhuhu.


Masyado na rin akong dumedepende sa laptop ko. Nakakahiyang wala na akong nagagawa kung lowbat na ang laptop ko, o kung bigla na lang siyang hindi magbukas. Titigil na yung oras ko. Titigil na yung utak ko. Wala na.

Sinisisi ko sa mga kompyuter ang panget kong handwriting at ang hindi ko napayabong na pagguhit. Ang pagkaweirdo kuno ko. Ang dark spot sa ilalim ng kanang kong kamay. At ang maraming araw na tahimik lang ako sa kwarto. Nag-iisip. Nag-iisip.

Pero kung walang kompyuter na naimbento, wala rin naman akong pangalan.



Gusto ko ng N95!!!
I need that. I need that.
HAHAHA.

***





Sunday, May 27, 2007
@(^_^)@
Posted at 02:53 am by xhybrid |

Ayoko ng chocnut.

Sa maraming mahilig sa chocnut, kasalukuyang kumakain ng chocnut, biglang naglaway sa chocnut, inuulit ko, AYOKO NG CHOCNUT.

Hindi ko maintindihan ang maramirami ring tao na nahuhumaling sa chocnut. Kahit ilang beses ko siyang sinubukan tikman, hindi ko alam kung anong meron siya na wala ang ibang chocolate. Bukod sa para siyang pinitpit na pulbos ng tsokolate na pagsinimulan mo ng kagitin ay sarisaring angle ang paghahatihati nito. Hindi siya gaya ng ibang chocolate na pagkinagat mo, iisang cleavage lang ang mafoform.

Kung titigan mo ng matagal ang maliit na bar ng chocnut parang may living things ng nabubuhay sa bawat surface area niya. Para siyang inhabited ng kung anung microorganisms. Haha.

Ayoko talaga ng chocnut. Makita ko lang yung papel na balot non parang masusuka ako. Basta, para sakin, hindi siya masarap.

Wala lang. HAHA. ^^





Thursday, May 24, 2007
over impetus
Posted at 01:40 am by xhybrid |

Life is for the living. ^^


For quite a long time, I have not written anything worth the read. Not that I'm saying that this one would be. Well anyway, lately, I am in some sort in a state of hysteria. I feel that I am out of control.

I feel like that I am becoming responsive to all the things that I have not responded to before. They are all coming back. And I felt these sudden clashing blows in my chest, dragging me down and hitting me. They are these unresolved issues that I have tried to forget and to escape from. I thought I'm fine. Well, I am. Really. But they are likely to put me down like an impetus that I could not resist.

I dont know where they are coming from. But I know they are still there to attack me at any moment of my carelessness.

They are still there, unresolved. I know they will always be, not until I acquire the guts to face them. I am advancing in years but not in bravery. In all honesty, in that expanse, I am declining.

I am focused, clever and self-assured. But I am vulnerable.


***
Impetus. /n/ a force that causes the motion of an object
to overcome resistance and maintain its velocity.





Tuesday, May 22, 2007
drowning lessons
Posted at 02:25 am by xhybrid |


***

Nothing is worse than missing an opportunity

that could have changed your life.

***




Friday, May 18, 2007
liberating discomfort
Posted at 04:17 am by xhybrid |

Natatawa ako ngayong araw.
Buahahaha. Wala lang.

Sabi ng isang kablock ko kanina:
Napapansin ko na umiingay ka na. Nakikipagusap ka na.
Wala lang napansin ko lang.

Sa isip ko:
Parang baligtad ata. Tinatamad lang akong kausapin ka.
^^


Ngayong araw napatunayan ko talaga na:

Minsan magandang outlet ang mangasar ng tao.

Fulfilling. ^^

Wala akong masyadong masulat.


***
I am hard-headed.
I don't follow easily. I do not conform.
I pick people who would be influential to me.





Tuesday, May 15, 2007
Natsciness
Posted at 03:50 am by xhybrid |


my summer ends this week. aw.

Matatapos na ang pagkaenvironmentalist kuno ko.


Medyo nahihiya akong magkalat ng basura lately.
naiirita ako sa mga plastic cups na nakakalat sa GabCaf.
At naaawa ako sa mga punong pinuputol.
Joke lang. ^^

Advance babay Ecology. Advance babay Environmental Chem.


***
It's not something you've done.
It's something you've left undone.





Monday, May 14, 2007
inconvenient runaway
Posted at 01:59 am by xhybrid |

it's not what we hold in our hands that is ours.
It's what is left in our hands and let go.


Naisip ko kanina na dinadaan ko ata sa natural selection ang buhay ko ngayon. (haha. may ganun) Para kasing dinedeprive ko ang sarili ko sa mga bagaybagay para makita kung ano na lang ang matitira pagkatapos. Natural selection nga eh.

Alam mo yun, aminadong gusto mong gawin pero pipilitin mong ayawan. At itatanim mo pa sa utak mo na hindi pwede, na kunwari ayaw mo.

Aaminin ko na nahihirapan din ako sa pinagagawa kong 'to. Ewan ba. Gaya ng pagpigil mo sa paglabas ng sumisirit ng tubig mula sa isang hose gamit ang thumb mo, na kahit todo pigil ka na sa pagpupush ng tubig, sumisirit at sumisirit pa rin yung high-pressured na tubig.

(Basang-basa na nga ako...)

Pero kahit ganon, mageeffort ka pa ring umiwas, umayaw, magpigil, na parang nahahati na sa dalawa yung sarili mo, yung isa, siya yung batas, siya ang nagdedeklara na hindi pwede at ayaw mo nun, at yung isa, siyang yung napapagod na rin sa pag-iwas, siya yung naiiyak pagpinipigilan ang gusto niya, siya yung hindi naman ginugusto lahat ng ginagawa niya dahil hindi naman talaga siya ganun kasama.

Tapos magkakaron ka ng internal battle sa sarili mo. Makakatulog ka habang nagiisip. Ang dalidali naman kasing solusyonan niyan bat ba kasi may padeprivedeprive ka pang nalalaman?

Una, pwede ko naman silang biglang kausapin lahat. Pwedeng magtext ako ng gudnyt ngayon bago matulog. Pwedeng itxt ko sila bukas na magingat sila pagluwas bukas. O pwede naman ring magtext lang ako basta. Ay hindi ko pala sila pwedeng 'biglang' kausapin. Una, dahil baka nakapagadjust na ang utak nila na ganto na ang siste ko ngayon. Tapos baka maisip nilang nilalaro ko yung isip nila na bigla akong ok. Ang selfish ko naman. Pangalawa, baka mapahiya lang ako.

Pangalawa, pwedeng magsorry muna ako. Na alam ko ang ginagawa kong kabalbalan at sorry dahil ganon.

Pangatlo, pwedeng parang wala na lang nangyari. back to normal. Ano nga ba yun?

Pero ayoko nga. Haha.

Kung may isang switch lang na madaling pindutin para mabalik lahat sa dati. At mabura lahat ng panget. Pero kung wala, wag na lang muna.

Sabi nila, makikita mo ang mga bagay na pinapahalagahan mo, sa mga bagay na niririsk mo. Naniniwala ako diyan. Pero hindi ako ganto dahil dyan. Pinili ko 'to.

w a l a  l a n g .

***

How do you pick up the threads of an old life?
How do you go on when in your heart,
you begin to understand, there is no turning back?
There are some things time cannot mend.
Some hurts that go too deep that have taken hold.
-Frodo Baggins





| Next Page |
the usual suspect

ako si Gyll.
Isang sophie sa UP Manila. Public Health ang course ko pero hindi ko alam kung bakit. Mahina akong magmemorize. Ayoko ng strawberry. Gusto ko ang kulay orange. Simpleng taong lang ako, simpleng matigas ang mukha. Hindi naman kagalingan. Hindi naman kabaitan.



comfort me
tempo
<< November 2009 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30
Wishlist
  • Wala pa akong wish ngayon. Malayo pa bertday ko.
  • Sidebar
    Stubs





    free hit counter
    hiding place
    [contact form]
    First aids