Ayokong magsulat ng tungkol sa election dahil nanghihinayang lang ako na hindi ako makakaboto bukas. Isang akong privileged but self-deprived to-be voter na tinamad magpunta sa munisipyo para magrehistro.
Naiinis nga ako na walang pasok bukas. Gusto ko kasing lumuwas kanina sa simpleng dahilan na nababagalan ako sa 31.2kbps speed ng internet namin dito sa bahay. Marami na
Ang weird nga pala nitong nakaraang araw para akong angst-filled patience-free na hindi ko maintindihan. Parang nastustun ako ng more than 5 sec, at may napakatagal na cooldown bago makakilos uli.
Kung dahil ito sa pagtatapos ng summer, ewan ko. O kung dahil ito sa anxiety sa dota, ewan ko. O kung dahil ito sa mas malalim na resulta ng laganap na self-deprivation na pinagagawa ko, ewan ko rin.
Medyo naiisip ko rin ang susunod na sem. Ano kayang mangyayari kung next sem andyan nanaman silang lahat? Ewan ko. Kung may one-way ticket lang na pwedeng magrab agad-agad para tumakas sa kanila, sa pagyuyuniporme, sa PH itself, pero wala na.
Ayos na ako sa ganitong set-up ng summer. Hindi ko alam next sem. Sabi ni rannedom sa kanyang sariling mundo, lahat ng tao ay may kanyakanyang invisible tags. Yung sakin ang nakalagay ata: Lumayo muna kayo.
Ang weirdo ko talaga.
Wala uli akong punto.
(magthithird year na pala ako. hindi na ako kasama sa bracket na tinatawag nilang lower years. xett, ang tanda ko na..)
***
There are things that never turn out fine
Because you can't wait for me forever
And I can't dream of you all the time...
-Mula sa dating nasulat na tula



